Ang Tagalog na bersyon ng website ng Administration Wing ay naglalaman lamang ng mga
napiling kapaki-pakinabang na impormasyon. Maa-akses mo ang buong nilalaman ng aming
website sa
這連結會以新視窗打開。Ingles,
這連結會以新視窗打開。Tradisyonal na Tsino o
這連結會以新視窗打開。Pinasimpleng Tsino.
Maligayang pagdating sa website ng Administration Wing.
Ang Administration Wing ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa pagtupad sa isang
malawak na hanay ng mga responsibilidad. Ang aming pangunahing gawain ay magbigay ng
suporta sa Punong Kalihim para sa Administrasyon at sa Kalihim ng Pinansyal sa
pangangasiwa sa epektibong pagganap ng makinarya ng Kalihiman ng Pamahalaan.
Nagsisilbi kami bilang tagapag-ugnay sa mga ugnayan ng Pamahalaan sa Lehislatura gayundin
ang kontak sa pagitan ng Pamahalaan sa isang banda at ng Hudikatura, ng Independiyenteng
Komisyon Laban sa Korapsyon at ng Tanggapan ng Ombudsman sa kabilang banda.
Ang Administration Wing ay responsable para sa pangangasiwa ng sistema para sa mga
parangal at gantimpala, at ang pamamaraan para sa Mga Hukom ng Kapayapaan. Ang aming
Dibisyon sa Protokol ay higit na naatasan sa pakikipag-ugnayan at pagbibigay ng serbisyo
ng pamahalaang nagho-host sa Consular Corps sa Natatanging Rehiyong Administratibo ng
Hong Kong at pagpapaabot ng paggalang sa mga pambansang pinuno at pandaigdig na mga
dignitaryo na bumibisita sa Hong Kong.
Ang Administration Wing ay may pananagutan din na bumuo ng patakaran sa legal na tulong
at pamamahala s gawain ng Kagawaran ng Tulong Legal.
Ang Serbisyo sa mga Talaan ng Pamahalaan sa ilalim ng Administration Wing ay nangangasiwa
sa pangkalahatang pamamahala ng mga rekord ng pamahalaan, bumubuo ng mga patakaran at
pamantayan para sa naturang pamamahala ng mga rekord, at inaalam at pinapanatili ang mga
rekord ng pamahalaan na may arkibong na halaga para sa pampublikong akses.
Nagbibigay din kami ng kalihimang suporta para sa Lupon ng mga Apelang Administratibo,
Lupon ng mga Apela sa Serbisyong Munisipal at Komite sa Pagpapayo sa Pondo sa Sakuna.
Mga serbisyong pampubliko na ibinibigay ng Administration Wing
Ang Serbisyo sa mga Talaan ng Pamahalaan ay ang itinalagang arkibo para
mapanatili at gawing madaling makuha ang mga arkibong na rekord ng
Pamahalaan ng Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong. Napanatili
namin ang higit sa 1.8 milyong mga rekord. Ang aming iniingatan ay nagsimula
noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Ang mga ito ay nakatago sa iba't ibang
format mula sa mga file, naka-bing na aklat, litrato, poster, mapa at mga
plano hanggang sa mga pelikula.
Para sa mga detalye, mag-klik
這連結會以新視窗打開。dito*.
Sa ngalan ng Pamahalaan ng Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong
KongHong , ang Dibisyon ng Protokol ay nakikipag-ugnayan at nagbibigay ng
mga serbisyo sa nagho-host na pamahalaan sa malalaking Consular Corps sa
Hong Kong. Ang Dibisyon ay nagpapaabot din ng mga paggalang at mabuting
pakikitungo sa mga bumibisitang pambansang pinuno at internasyonal na mga
dignitaryo. Para sa mga detalye, mag-klik
這連結會以新視窗打開。dito*.
Ang Sistema ng mga Parangal at Gantimpala ng Natatanging Rehiyong
Administratibo ng Hong KongHong (HKSAR) ay ipinakilala mula noong itatag ang
HKSAR noong 1 Hulyo 1997 upang magbigay ng pagkilala sa mga taong gumawa ng
napakahusay na kontribusyon sa Hong Kong, o nakapagbigay ng marangal at
tapat na serbisyo sa komunidad o publiko sa Hong Kong, o mga personal na
nagtagumpay sa kani-kanilang larangan. Ang mga parangal at gantimpala ay
ibinibigay din sa mga indibidwal para sa mga gawa ng katapangan na nararapat
kilalanin ng publiko. Ang kontribusyong ginawa sa labas ng Hong Kong ay
maaari ding kilalanin kung ganap na makatwiran. Para sa mga detalye,
mag-klik
這連結會以新視窗打開。dito*.
Ang Ordinansa ng Mga Hukom ng Kapayapaan (Kap. 510) ay gumagawa ng mga
probisyon para sa paghirang, mga tungkulin, pagbibitiw at pagtanggal ng mga
hukom ng kapayapaan, at para sa mga bagay na kaugnay nito o nauugnay dito.
Para sa mga detalye, mag-klik
這連結會以新視窗打開。dito*.
Sa ilalim ng Panukala ng Legal na Pagpapayo para sa mga Litigante na Walang
Kinatawan sa mga Payo sa Pamamaraang Sibil (ang Procedural Advice Scheme),
nagbibigay ng libreng payong legal ukol sa mga pamamaraang sibil para sa mga
litigante na walang kinatawan at nagsisimula ng o kalahok sa mga legal na
proseso sa Hukuman ng Huling Apela, Hukuman ng Apela ng Mataas na Hukuman,
Hukuman ng Unang Antas, Hukuman ng Distrito, Hukuman ng Pamilya, at Tribunal
sa Lupa, ngunit hindi kasama ang mga pamamaraang sibil sa iba pang mga
tribunal."
Ang mga polyeto ng imporsmasyon sa Payo sa Pamamaraang Sibil sa mga wikang
ginagamit ng mga tao ng magkakaibang lahi ay makukuha sa webpage ng Payo sa
Pamamaraang Sibil sa ilalim ng website ng Administration Wing. Ang mga kopya
ng mga polyeto ay ibinibigay din sa mga nauugnay na organisasyon na hindi
bahagi ng pamahalaan na ang mga target ng serbisyo ay pangunahi na mga tao
sa magkakaibang lahi sa pamamagitan ng Kagawaran ng Ugnayang Panloob.
Ang serbisyo ng interpretasyon ay isasaayos kung saan kinakailangan at
naaangkop kapag ang mga gumagamit ng libreng legal na payo sa ilalim ng Payo
sa Pamamaraang Sibil, na mga taong mula sa magkakaibang lahi at hindi
nagsasalita ng Ingles o Tsino, ay dumalo sa sesyon ng payo.
Para sa mga detalye, mag-klik
這連結會以新視窗打開。dito*.
Dalawang magkahiwalay na kinatawan ng batas ang AAB at MSAB na dumidinig at
nagdedesiyon ng mga apilang isinumite alinson sa mga probisyon ng
Ordinansang AAB, Ordinansang MSAB at iba pang kaugnay na kautusan.
Ang pagdinig ng isang apela sa AAB o MSAB ay maaaring isagawa sa Tsino,
Ingles o parehong wika ayon sa palagay ng Lupon. Gayunpaman ang sinumang
partido sa isang apela o sinumang taong gumagawa ng mga representasyon sa
pagdinig ng isang apela ay maaaring humarap sa Lupon sa anumang wika; at
sinumang saksi na tumetestigo sa harap ng Lupon ay maaaring tumestigo sa
anumang wika. Kung saan naaangkop at magagawa, ang Kalihiman ng AAB o MSAB
ay magsasaayos ng sabay na serbisyo ng interpretasyon para sa pagdinig.
Ang impormasyon sa mga wikang ginagamit ng mga taong magkakaibang lahi ay
makukuha sa mga webpage ng AAB at MSAB sa ilalim ng website ng
Administration Wing at ipinapakita sa reception counter ng Lupon ng
Kalihiman ng Apela upang bigyang-daan ang mga taong magkakaibang lahi na
humingi ng tulong sa Sentro para sa Pagkakaisa at Pagpapahusay ng mga
Residente na kabilang sa Etnikong Minorya (CHEER) sa ilalim ng Serbisyo
Kristiyano ng Hong Kong para sa serbisyo ng interpretasyon kung
kinakailangan.
Para sa mga detalye, mag-klik
這連結會以新視窗打開。dito*.
Nilalayon nitong parangalan ang mga legal na propesyonal na nagbigay ng pro
bono na serbisyong legal para sa komunidad at hikayatin ang mas maraming
legal na propesyonal na magboluntaryong magbigay ng mga libreng serbisyong
legal sa mga miyembro ng publiko. Para sa mga detalye, mag-klik
這連結會以新視窗打開。dito*.
Itinatakda nito ang mga pamamaraan ng aplikasyon ng CGO Press Card at
listahan ng mga walang harang na pasilidad sa CGO.
Para sa mga detalye, mag-klik
這連結會以新視窗打開。dito*.
Ang taunang open data plan at ang taunang spatial data plan ay
pinagsama-sama sa Plano sa Pinagsama-samang Taunang Open Data (kasama ang
Spatial Data Plans), na sumasaklaw sa iskedyul para sa open data at spatial
data na ilalabas sa darating na 3 taon at nai-release na.
Para sa mga detalye, mag-klik
這連結會以新視窗打開。dito*.
Ito ay isang website kung saan maaari mong hanapin ang karamihan sa mga
numero ng telepono ng mga opisyal at hotline kaugnay ng mga
kawanihan/kagawaran ng pamahalaan at mga kaugnay na organisasyon. Para sa
mga detalye, mag-klik
這連結會以新視窗打開。dito*.
Ang ilang mga relihiyosong organisasyon at kawanggawa ay kinakailangang
magbigay ng impormasyon tulad ng ebidensya ng paghirang ng
Pangulo/Procurator/Trustees sa Punong Kalihim para sa Administrasyon sa
ilalim ng mga kaugnay na ordinansa. Maaari nilang ipadala ang impormasyon sa
Administration Wing sa pamamagitan ng post o sa pamamagitan ng e-mail. Para
sa mga detalye, mag-klik
這連結會以新視窗打開。dito*.
Nagbibigay ito ng maikling panimula sa pambansang watawat, pambansang
sagisag, rehiyonal na watawat at rehiyonal na sagisag, at ang kanilang
paggamit. Para sa mga detalye, mag-klik
這連結會以新視窗打開。dito*.
* Available lang ang mga content sa Ingles, Tradisyonal na Tsino at Pinasimpleng
Tsino.